Isang kilalang abogado sa pamahalaan, si Wilfredo Garrido, ang naglabas ng pahayag na nananawagan na ipa-deport si Chloe San Jose, ang kasalukuyang girlfriend ng kilalang gymnast na si Carlos Yulo. Ayon kay Garrido, inamin ni Chloe mismo na isa siyang Australian citizen, at dahil dito, iginiit niya na hindi dapat paboran ang pananatili ni Chloe sa bansa, lalo na't tila hindi maganda ang ipinapakitang asal nito, partikular na sa ina ni Carlos Yulo.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Garrido na hindi kanais-nais ang mga ikinikilos ni Chloe, at ipinunto niya na mas malala pa raw ang kanyang pakikitungo sa pamilya ni Carlos, lalo na sa nanay ni Caloy, na naging sentro ng isyu kamakailan. Para kay Garrido, dapat lamang na maipadeport na si Chloe upang hindi na ito makagawa ng mga hakbang na maaaring makasira sa relasyon ng pamilya ni Carlos Yulo.
Ang isyu sa pagitan ni Chloe San Jose at ng pamilya ni Carlos Yulo ay matagal nang pinag-uusapan ng publiko. Si Chloe, bilang partner ni Carlos, ay naging sentro ng atensyon matapos maglabasan ang mga ulat na nagkaroon ng hidwaan sa pagitan niya at ng pamilya ni Carlos, partikular sa ina ng gymnast. Ang tensyon sa pagitan nila ay lalong uminit nang pumutok ang balitang si Chloe ay Australian citizen at may ilang mga negatibong aksyon umano patungkol sa mga miyembro ng pamilya ni Carlos.
Samantala, ang panawagan ni Garrido ay nakakuha ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens. May mga nagsasabing hindi sapat ang pagiging Australian citizen ni Chloe para ipa-deport siya, habang ang iba naman ay sumasang-ayon na hindi tama ang kanyang asal, lalo na kung ito ay nakakasira sa pamilya ni Carlos Yulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento