Advertisement

Responsive Advertisement

Ai-Ai Delas Alas, Napaluha Sa Surpresa Ni Jiro Manio Sa Walong Taong Hindi Nila Pagkikita

Lunes, Oktubre 21, 2024

 




Sa isang emosyonal na episode ng programa ni Boy Abunda na My Mother, My Story, hindi napigilan ni Ai-Ai delas Alas ang maging emosyonal matapos surpresahin ng kanyang anak-anakan.


Ang biglaang paglitaw ni Jiro Manio na noon ay dumaan sa masalimuot na yugto ng kanyang buhay dahil sa mga bisyo at personal na pagsubok. Matatandaang noong 2015, sinubukan ni Ai-Ai na buhayin muli ang karera ni Jiro at tulungan itong makabangon mula sa mga problemang kanyang hinarap. Gayunpaman, hindi naging madali ang pagbabago para kay Jiro, kaya't naputol ang kanilang komunikasyon.


Sa kabila ng kanilang matagal na pagkakalayo, tila nagkaroon ng magandang resulta ang rehabilitasyon ni Jiro. Ikinatuwa ni Ai-Ai na makita ang unti-unting pagbabalik ni Jiro sa tamang landas at maging aktibo muli sa showbiz.


Sa isang Instagram post, ipinaabot ni Ai-Ai ang kanyang pasasalamat at pagmamahal sa kanyang mga anak. "Nakakatuwa naman ang mga anak ko... si Jiro grabe, iba na siya ngayon at may gift pa" 


Ang masayang muling pagkikita nilang mag-ina ay nagpakita ng pagmamahal at muling pagkabuo ng kanilang relasyon.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento