Advertisement

Responsive Advertisement

Ai-ai Delas Alas Tinutupad Ang Kanyang Pangako Blockbuster Live Selling Kasama Si Mommy Angelica: "Wala Parin Makakapantay Sa Pagiging Ina, Team Nanay Ako"

Miyerkules, Oktubre 16, 2024

 



Tinupad ng comedy queen na si Ai-Ai delas Alas ang kanyang pangako sa ina ng two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, si Angelica Yulo, sa pamamagitan ng pagsama sa kanyang live selling session. Sa nasabing live selling, nagtinda si Ai-Ai kasama si Angelica, na tinaguriang bahagi ng "Team Nanay."


Naging blockbuster ang naturang event dahil halos naubos ang lahat ng mga itinitinda nila. Sa kabila ng mga hamon ng online selling, matagumpay nilang napasaya at napalapit ang mga viewers sa kanilang mga produkto, dahilan upang mabilis na ma-sold out ang mga ito. "Wala parin makakpantay sa pagiging ina, team nanay ako" saad ni Ai Ai.


Matatandaan na noong Setyembre, ipinahayag ni Ai-Ai ang kanyang suporta sa mga live selling sessions ni Angelica dahil nakikita niya ang sarili niya rito bilang isang ina na nagsusumikap para sa pamilya. Dahil dito, ipinakita ni Ai-Ai ang kanyang tunay na suporta sa "Team Nanay," na naglalayong magbigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga kapwa nanay na naghahanap-buhay para sa kanilang mga anak.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento