Advertisement

Responsive Advertisement

Aj Raval, Rumesbak Kay Kylie Padilla Gamit Ang Bible Verses: "if It’s God’s Will, It Will Happen & Nothing Will Stop It"

Miyerkules, Oktubre 9, 2024

 



Kasalukuyang girlfriend ng estranged husband ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica na si, ay tila nagpahayag ng reaksyon sa mga komento ni Kylie ukol sa mga katangian ng isang mahusay na pinuno. Ang isyung ito ay lumitaw matapos maglabas si Kylie ng pahayag sa kanyang Facebook account patungkol sa pagiging tapat na pinuno ng pamilya, isang pahayag na maraming netizens ang nag-ugnay kay Aljur, na tumatakbo bilang konsehal sa Angeles City, Pampanga.


Kasunod ng mga pahayag ni Kylie, nag-post si AJ Raval ng mga Bible verses at inspirational quotes sa kanyang Instagram story, na pinaniniwalaan ng publiko na isang sagot sa mga patama ni Kylie. Isa sa mga unang post ni AJ ay mula sa Proverbs 16:9, “If it’s God’s will, it will happen & nothing will stop it. If it’s not, God has a better plan. Have peace knowing this.”


Bukod dito, nagpost pa si AJ ng isang cryptic message na, "No revenge. I’ll just pray for you and wish the best for you because you’re God’s child too."


Ang mga pahayag na ito ni AJ ay tila reaksyon sa sinabi ni Kylie tungkol sa mga katangian ng isang mahusay na lider. Ayon kay Kylie, "A good indicator of a great leader is a man who can lead his family. That is his first unit, his first community. A man who raises his kids with good values, integrity and humility. A man loyal to his wife and remains true despite obstacles."


Nitong Oktubre 7, naghain ng kanyang certificate of candidacy si Aljur Abrenica para sa kanyang pagtakbo bilang konsehal sa ilalim ng partido ni dating Philippine National Police chief Oscar Albayalde, na kakandidato naman bilang mayor ng Angeles City.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento