Advertisement

Responsive Advertisement

Alice Guo, Muling Tatakbo Bilang Mayor ng Bamban! Babalik Ba Siya sa Pwesto Matapos ang Kontrobersyal na Pagkakatanggal?

Sabado, Oktubre 5, 2024

 



Muling tatakbo bilang mayor ng Bamban, Tarlac si dismissed Mayor Alice Guo, ayon sa pahayag ng kanyang abogado na si Atty. Stephen David. Inaasahang maghahain si Guo ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa susunod na linggo, ayon sa inilabas na ulat ng ABS-CBN News.


Ayon kay Atty. David, desidido si Guo na muling subukan ang kanyang kapalaran sa darating na halalan upang makabalik sa posisyon bilang alkalde. “Dapat kasi makita ng bayan kung mahal talaga siya ng Bamban. Kasi kung mahal siya, mananalo siya. Kung ayaw na sa kanya, hindi na siya mananalo,” pahayag ni Atty. David, na nagpapahiwatig na nakasalalay sa kamay ng mga botante ang pagbabalik ni Guo sa pwesto.


Dagdag pa niya, tatakbo si Guo bilang isang independent candidate. Sa kasalukuyan, kasalukuyang inaayos ni Alice Guo ang mga kinakailangang dokumento upang maisumite ang kanyang COC, na isusumite sa pamamagitan ng kanyang representative.


Maalala na natanggal si Guo sa kanyang posisyon bilang mayor dahil sa mga alegasyon na may kinalaman sa kanyang background at citizenship. Gayunpaman, ayon sa kanyang mga tagasuporta, karapat-dapat pa rin siyang maglingkod bilang alkalde, at hindi dapat balewalain ang kanyang mga nagawa para sa bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento