Advertisement

Responsive Advertisement

Anak ni Paolo Contis kay Lian Paz na sina Xonia at Xalene, gusto nang palitan ang kanilang apelido.

Huwebes, Oktubre 3, 2024

 



Marami sa mga netizens ang pumuna kay Paolo Contis dahil sa kanyang kawalan sa naturang event. Dahil dito, isiniwalat ni Lian na matagal nang nais ng kanyang mga anak na palitan ang kanilang apelido mula sa "Contis" patungong "Cabahug," bilang pagkilala sa kasalukuyang partner ng kanilang ina na nagpalaki sa kanila.


“Gusto na nga ng mga bata na palitan ito,” pagbubunyag ni Lian sa kanyang mga tagasubaybay.


Marami sa mga netizens ang sumang-ayon na nararapat lang na palitan ng mga bata ang kanilang apelyido. Ayon sa kanila, higit na karapat-dapat na gamitin ng mga bata ang apelyido ni John Cabahug, dahil siya ang nagtaguyod at nag-alaga sa kanila bilang parang tunay na ama. Isang netizen ang nagkomento, “John deserves his last name to be used by these kids. He raised them as his own.”


Matatandaang naghiwalay sina Lian at Paolo noong 2012, at mula noon ay sinabi ni Lian na hindi nagbigay ng anumang suporta si Paolo para sa kanilang mga anak. Inamin din ni Paolo na hindi siya nakakapagpadala ng child support ngunit sinabing nag-iipon siya para sa kanilang kinabukasan. “Ever since na nagtrabaho ako ng maayos, unti-unti akong naglalagay ng account para kay Xonia, kay Xylene, pati kay Summer,” wika ng aktor.


Sa kasalukuyan, wala pang tugon si Paolo Contis hinggil sa desisyon ng kanyang mga anak na alisin ang apelyido niyang "Contis."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento