Isang mapagkakatiwalaang source mula sa GMA ang nagkumpirma na tinanggal na si Archie Alemania mula sa seryeng Widows' War matapos ang isyu na kinasasangkutan niya kasama ang aktres na si Rita Daniela. Ayon sa balita, ang desisyon ng network ay bunga ng pagsasampa ni Daniela ng reklamo dahil sa umano’y hindi angkop na pagtrato sa kanya ni Alemania, na nagdulot ng matinding trauma sa aktres.
Sa kanyang affidavit, isinaad ni Daniela ang kanyang naramdamang takot at ang kawalan niya ng kakayahang makatrabaho pa muli si Alemania dahil sa trauma na idinulot ng nasabing insidente. Ayon sa kanya, ang insidente ay labis na nakaapekto sa kanyang mental at emosyonal na kalusugan, kaya’t iminungkahi niya sa pamunuan ng GMA na hindi na nila dapat ituloy ang kanilang professional engagement sa aktor.
Agad umanong tumugon ang GMA sa pahayag ni Daniela at nagdesisyon na alisin si Alemania mula sa Widows' War. Pinayuhan din ng kanyang management team si Daniela na maghain ng pormal na reklamo sa tanggapan ng piskalya upang masampahan ng kaso si Alemania kaugnay ng insidente.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento