Naging mainit na usap-usapan sa social media ang mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol sa insidente sa pagitan ng Pangulong Bongbong Marcos at isang nagtapos mula sa Philippine Military Academy (PMA). Ayon sa mga ulat, nangyari ang kontrobersya nang humiling ang isang kadete sa Pangulo ng kanyang relo sa pamamagitan ng pagsasabi ng, "Can I have your watch, sir?"
Ayon kay VP Sara, tila pinahiya ni PBBM ang kadete nang tanungin niya ito kung bakit niya gustong kunin ang kanyang relo. Ang insidente ay nagdulot ng magkakahalong reaksyon sa publiko, lalo na’t isang tradisyon sa PMA ang ganitong uri ng hiling mula sa mga bagong graduate na kadete. Ang tradisyon na ito ay kilala sa mga alumni ng PMA, ngunit hindi ito agad naipaliwanag kay Pangulong Marcos.
Samantala, inihayag ng kilalang mamamahayag na si Arnold Clavio na ang sitwasyon ay maaaring naiwasan kung agad na naipaliwanag sa Pangulo ang kaugalian na ito ng PMA. Ayon kay Clavio, "Pangit din naman talaga ang dating sa publiko, lalo’t hindi alam ang tradisyon, na kabago-bago mong graduate na kadete eh mambabakal ka agad at sa mismong pangulo pa?" Dagdag pa niya, dapat ay mas mabilis na naipaliwanag ng PMA ang ganitong tradisyon upang maiwasan ang pagkakaintindihan na naganap.
Nagbigay ito ng iba't ibang opinyon sa social media, kung saan ang ilan ay nagsasabing dapat naiwasan ang insidente kung may mas malinaw na komunikasyon, habang ang iba naman ay nagpahayag ng suporta sa PMA at ang kanilang tradisyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento