Advertisement

Responsive Advertisement

Arnold Clavio, May Panawagan sa Mga Botante: "Ang Sinuman Na Boboto Sa Politikong Magnanakaw Ay Hindi Lang Bobotante Kundi Magnanakaw Rin"

Huwebes, Oktubre 10, 2024

 



Sa gitna ng nalalapit na eleksyon, nagbigay ng matapang na paalala si Arnold Clavio sa publiko patungkol sa pagboto ng mga tamang kandidato. Binibigyang-diin ng kilalang broadcaster ang kahalagahan ng pagiging mapanuri at ang pagbabantay sa mga politikong may masamang record, partikular na ang mga sangkot sa katiwalian.


Ayon kay Clavio, tila ginagawa ng ilang mga opisyal ng gobyerno ang kanilang posisyon bilang isang negosyo sa halip na isang serbisyong pampubliko. Ipinunto niya na ito na ang tamang panahon upang wakasan ang ganitong klaseng pamamahala sa pamamagitan ng paghalal ng mga lider na may tunay na malasakit sa bayan.


Ibinahagi rin ni Clavio ang kanyang mariing paniniwala na ang sinumang bumoboto sa magnanakaw na politiko ay walang ipinagkaiba sa mga ito. "Kung ang iboboto mo ay magnanakaw, wala ka rin pinagkaiba sa kanila," saad ni Clavio, isang pahayag na nakuha ng pansin ng mga netizens at mga botante. Para sa kanya, ang pagpili ng mga tamang pinuno ay susi upang maiwasan ang patuloy na paglulustay ng kaban ng bayan at pang-aabuso sa kapangyarihan.


Nanawagan siya sa lahat na kilatisin nang mabuti ang mga kandidato at hindi magpasilaw sa matatamis na pangako o sa popularidad ng mga pulitiko. Ayon sa kanya, mahalaga na suriin ang background ng mga kandidato at alamin kung sila ay may kasaysayan ng katiwalian o pang-aabuso sa kanilang kapangyarihan. Dagdag pa niya, ang pagboto ng isang magnanakaw ay isang direktang pag-apruba sa kanilang maling gawain, na nagreresulta sa patuloy na paghihirap ng bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento