Advertisement

Responsive Advertisement

Aso Gala, Gabi Gabi Naghihintay Ng Isang Oras Para Sa Tira Tirang Pagkain Sa Tapsilogan Sa Koronadal

Miyerkules, Oktubre 9, 2024

 



Sa isang simpleng hapunan sa isang tapsilogan sa Koronadal City, may isang aso ang nakatawag ng pansin ng mga customer. Habang kumakain, napansin namin ang isang aso na tila matiyagang naghihintay sa labas ng pintuan ng kainan. Ayon sa mga staff, halos isang oras na itong naroon, tila naghihintay ng mga tira-tirang pagkain mula sa mga dumadaang customer. Nakakaawa ang sitwasyon niya, lalo pa’t wala halos natira mula sa mga plato ng mga tao.


Dahil sa awa, nagdesisyon kami na bilhan siya ng pagkain kasama na ang extra rice upang makatulong sa kanyang gutom. Ayon sa mga tauhan ng tapsilogan, gabi-gabi raw siyang pumupunta doon, marahil umaasa na may magbibigay ng kaunting pagkain. Hindi maiwasang magtanong kung may iba pa bang nagbibigay ng pagkain sa kanya? At paano naman kaya ang mga araw na sarado ang tapsilogan?


Ang eksenang ito ay nagpapaalala ng isang pamilyar na kwento tungkol kay Tucson Prime, isang asong gala laging nakaabang sa labas ng Hyundai at ginawa siyang official saledogs ng Hyundai. Sana maranasan din ni doggy ang 


Sana'y patuloy siyang gabayan ng Diyos sa mga susunod na araw—na hindi siya magutom, manatiling ligtas mula sa ulan at mga panganib sa lansangan, at sana'y may magandang puso na magbibigay sa kanya ng mas ligtas at masaganang buhay balang araw.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento