Advertisement

Responsive Advertisement

Bagyong Kristine Posibleng Bumalik sa Pilipinas Dahil sa Fujiwara Effect, Ayon sa Ulat ng Weather Experts!

Huwebes, Oktubre 24, 2024

 






Ayon sa ulat ng Watchmen’s Earth and Space Connection, may posibilidad na bumalik ang bagyong Kristine sa Pilipinas dahil sa tinatawag na Fujiwara Effect, kung saan ang dalawang malapit na bagyo ay nag-iinteract at humihila sa isa't isa. Dahil sa epekto ng malakas na hangin, maaaring mahatak pabalik ang bagyo patungong bansa.


Base sa kanilang obserbasyon, ipinakita ng European weather models na maaaring tumungo si Kristine patungong China at Vietnam ngunit posibleng bumalik sa Pilipinas matapos ang ilang araw. Ibinahagi rin nila na patuloy nilang susubaybayan ang sitwasyon kasama ang isa pang low-pressure area na maaaring tumungo sa Japan.


“ I am definitely keeping an eye on Kristine and watching the other LPA behind it.

The Euro shows Kristine going towards China and Vietnam and then turning back around and head towards the Philippines.

It shows the one behind it curving and headed towards Japan. I will keep you posted on all this.” wika ng Watchmen’s Earth and Space Connection" ulat ng Watchmen’s Earth and Space Connection
 

Nanawagan ang mga eksperto na manatiling alerto ang mga Pilipino dahil sa posibleng pagbabalik ni Kristine at inaasahan nilang magbigay ng karagdagang updates sa mga susunod na araw.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento