Ibinahagi ng kilalang komedyante at TV host na si Vice Ganda ang kanyang mga dahilan kung bakit hindi siya pumapasok sa politika, kahit na may mga pagkakataong inalok siya ng mataas na posisyon at malaki ang tsansang manalo dahil sa dami ng kanyang tagahanga at tagasuporta.
Ayon kay Vice Ganda, hindi siya naniniwala na sapat ang pagkakaroon ng mga followers at fans upang maging mabuting lider. "May nag-offer sa akin ng mataas na posisyon. Naloka ako! Hindi ako magaling dun. Feeling ko pwede akong manalo kasi marami akong followers, maraming fans, maraming boboto sa akin," aniya.
Ngunit, iginiit niya na hindi siya papasok sa politika dahil alam niyang wala siyang sapat na kakayahan para mamuno. "Pero hindi ako magaling dun, so bakit ako pupunta roon? Ipapahamak ko Pilipinas? Not because you can win, you will run," dagdag pa ni Vice.
Samantala, tumatakbo bilang konsehal sa Tarlac ang kanyang partner na si Ion Perez, dahilan kung bakit may ilang netizens ang nagtatanong kung sinunod ba ni Vice ang sariling paniniwala tungkol sa politika.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento