Isang nakakabagbag-damdaming insidente ang naganap sa Davao de Oro, kung saan nawalan ng malay ang isang batang naglalako ng gulay dahil sa matinding pagod at gutom. Ang bata, na galing pa sa bayan ng Maragusan, ay matiyagang naglalako ng gulay mula pa umaga upang makatulong sa kanyang pamilya.
Ayon sa isang netize na siyang nakakita sa bata, nakaluhod ito at sapo-sapo ang ulo sa harap ng kanyang mga panindang gulay nang bigla itong mawalan ng malay. Agad na tinulungan ng mga nagmamalasakit na mamamayan ang bata, na nang magkamalay ay sinabi na siya’y nahilo dulot ng gutom.
Sa kabila ng kanyang sitwasyon, ipinakita ng bata ang kanyang kasipagan at determinasyon na makatulong sa pamilya, kahit pa ito’y nangangahulugan ng pagtatrabaho sa ilalim ng mainit na araw at habang walang laman ang sikmura. Matapos siyang magkamalay, binigyan siya ng mga concerned citizens ng pagkain at inumin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento