Advertisement

Responsive Advertisement

Camsur Rep. Lray Villafuerte, Sinagot Ang Mga Batikos Matapos Makitang Nagbabakasyon Sa Siargao Sa Gitna Ng Bagyong Kristine!

Huwebes, Oktubre 24, 2024

 



Umani ng batikos si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte matapos kumalat sa social media ang mga larawan ng kanyang pagbabakasyon sa Siargao, kasabay ng pananalasa ng bagyong Kristine na nagdulot ng pinsala sa maraming bahagi ng bansa. Maraming netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya at galit dahil sa tila kawalan ng malasakit ng kongresista sa mga biktima ng bagyo, habang siya ay masayang nagbabakasyon kasama ang kanyang pamilya.


"'Yan picture na kinakalat nila ngayon daw o kahapon nasa Siargao kami... Yan photo in Siargao posted kahapon or today was taken Saturday at lahat ng SK nakabalik na ng CamSur Monday bago pa nag-bagyo," paliwanag ni Villafuerte bilang tugon sa mga kritisismo.


Sa kabila ng mga kritisismo, nilinaw ni Rep. Villafuerte na ang mga larawan na nag-viral ay kuha noong nakaraang Sabado, bago pa tumama ang bagyo. Sinabi rin niya na bumalik na sila sa Camarines Sur noong Lunes, bago pa man lumakas ang bagyong Kristine.



Gayunpaman, patuloy pa ring binabatikos ang kongresista dahil sa timing ng kanyang pagbabakasyon, lalo na’t maraming mga biktima ng bagyong Kristine ang nangangailangan ng tulong at suporta mula sa mga opisyal ng gobyerno.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento