Advertisement

Responsive Advertisement

Carlos Yulo, Binisita Ang Kanyang Alma Matter Sa Japan: "Thanks to All of You That Made My Time in Japan Very Rewarding!"

Sabado, Oktubre 19, 2024


Binisita ni Carlos Yulo, ang two-time Olympic gold medalist, ang kanyang alma mater, ang Teikyo University sa Itabashi, Japan. Ibinahagi ni Carlos sa isang post ang kanyang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng kanyang mga dating guro at ang suporta ng unibersidad sa kanyang academic journey habang siya'y nasa Japan.


Ayon sa kanyang post na isinulat sa Nihongo, sinabi ni Carlos, "Thank you Teikyo University for the warm welcome and great support for my academic journey during my stay." Dagdag pa niya, "Thanks to all of you that made my time in Japan very rewarding. I truly appreciate it, thank you!"


Sa kabila ng masayang pagbabalik-tanaw ni Carlos sa kanyang pag-aaral sa Japan at ang kanyang pagbisita sa mga dating guro, marami ang nagtatanong kung bakit tila hindi pa rin nagkakaroon ng pagkakataon na magkita sila ng dati niyang coach na si Munehiro Kugiyama. Si Munehiro ay isa sa mga taong naging malaking bahagi ng tagumpay ni Carlos sa gymnastics, ngunit sa mga recent posts ni Carlos, hindi pa natatalakay ang muling pagkikita nila.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento