Advertisement

Responsive Advertisement

Carlos Yulo, Inamin Kung Bakit Hindi Na Siya Tumangkad: "Hindi Po Ako Tumigil Sa Training"

Martes, Oktubre 15, 2024

 



Sa isang kamakailang panayam, inamin ni Carlos Yulo, ang kilalang Filipino gymnast at two-time Olympic gold medalist, ang dahilan kung bakit hindi na tumangkad ang kanyang katawan. Ayon kay Carlos, ang kanyang matinding pagsasanay mula sa murang edad ay nakaapekto sa kanyang pag-unlad, dahilan upang manatili ang kanyang height sa 4’9”.


Paliwanag ni Carlos, dahil sa patuloy niyang training sa gymnastics, partikular na sa mga events tulad ng floor exercise, napupuwersa ang mga buto sa kanyang tuhod at mga paa na hindi na nagkaroon ng pagkakataon na ma-stretch pa. Sa mga pahayag ni Carlos, sinabi niyang, "Yung mga buto ko po sa tuhod ay hindi na ma-i-stretch dahil hindi po ako tumigil sa training." Dagdag pa niya, ang matinding impact na dulot ng floor exercises ay nakaapekto sa kanyang physical development.


Bukod dito, lumabas rin sa social media ang isang pahayag mula sa isang nagpakilalang dating coach ni Carlos, na sinasabing pinayuhan na umano siya na huwag masyadong i-stretch ang kanyang katawan dahil baka magtuloy-tuloy ang kanyang pagtangkad. Sa larangan ng gymnastics, kilala na ang mas maliit na height ay isang bentahe, at isa sa mga patunay dito ay si Simone Biles, ang most decorated gymnast in history, na mayroon lamang taas na 4’8”.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento