Matapos ang kanyang walang katapusang pagsusumikap at tagumpay sa larangan ng gymnastics, hindi maitago ni Carlos Yulo, ang two-time Olympic gold medalist, ang kanyang interes na makaranas ng isang tunay at engrandeng bakasyon sa isa sa pinakamahal na resort sa Pilipinas—ang Amanpulo Private Resort sa Palawan.
Sa isang kamakailang panayam, ibinahagi ni Yulo ang kanyang kagustuhan na makapag-relax at makaranas ng bakasyon na malayo sa kanyang masikip na iskedyul bilang isang world-class gymnast. Nang tanungin kung may partikular na lugar ba siyang nais puntahan, tinanong ni Carlos kung ang Amanpulo Resort ay matatagpuan sa Pilipinas.
“Sa Pilipinas po ba ang Amanpulo? Gusto ko rin pong marating 'yon. I need a real vacation,” ani ni Yulo, na tila nagpapahayag ng kanyang pagnanais na makaranas ng katahimikan at kapayapaan sa isang paraisong resort.
Dahil sa kanyang walang katapusang pagsasanay at mga internasyonal na kumpetisyon, hindi nakakagulat na nais ni Carlos na makaranas ng isang “totoong bakasyon.” Sa kabila ng kanyang tagumpay sa mga Olympic Games at iba pang mga internasyonal na kompetisyon, patuloy na nakatuon si Carlos sa kanyang layunin bilang isang atleta. Gayunpaman, tulad ng karamihan, kailangan din niya ng oras upang makapagpahinga at makapag-recharge.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento