Advertisement

Responsive Advertisement

Carlos Yulo, Rebelasyon sa Kanyang Fashion Choice: "Komportable Pala Mag-Crop Top!"

Miyerkules, Oktubre 2, 2024

 



Inamin ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na ikinagulat niya kung gaano ka-komportable ang pagsusuot ng crop top habang sila ng kanyang nobya na si Chloe San Jose ay nagbabakasyon sa South Korea. Sa isang panayam, masayang ibinahagi ni Carlos ang kanyang karanasan at kung paano niya natuklasan ang kaginhawahan ng pagsusuot ng naturang damit.


“Actually, napasobra lang po talaga 'yon nang bili. And sige, like ita-try ko. Comfortable din naman po pala,” paliwanag ni Carlos. Ayon pa sa kanya, kahit siya mismo ay hindi inaasahan ang magiging reaksyon sa kanyang itsura, ngunit iginiit niya na normal lamang para sa mga kalalakihan ang pagsusuot ng crop top.


Binanggit din ni Carlos na ang aktor na si Kyle Echarri ay isa rin sa mga personalidad na nagsusuot ng crop top, kaya’t para sa kanya, hindi dapat ituring na kakaiba ang pagsusuot nito.


“Na-realize ko na napaka-komportable pala ng crop top,” ani pa ni Carlos, na tila nagbigay inspirasyon sa kanyang mga tagahanga na huwag matakot ipahayag ang kanilang sariling estilo sa pananamit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento