Advertisement

Responsive Advertisement

Carlos Yulo, Sabik Nang Bumuo ng Pamilya Kasama ang Nobyang si Chloe San Jose: "Excited na ko maging Daddy at Asawa"

Martes, Oktubre 1, 2024



Hindi maitago ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang kanyang kasabikan na bumuo ng sariling pamilya kasama ang kanyang nobya na si Chloe San Jose. Sa pagdiriwang ng kanilang ika-52nd monthsary, nagbahagi si Carlos ng kanyang matamis at taos-pusong mensahe para kay Chloe, kung saan ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat at pagmamahal sa kanya.


Sa isinulat na liham ni Carlos, inihayag niya ang kanyang pasasalamat sa suporta at pagmamahal na ibinibigay ni Chloe sa kanya. Ayon sa kanya, labis siyang natutuwa at humahanga sa kanilang journey bilang magkasintahan, at sa mga pangarap na unti-unti nilang natutupad nang magkasama.


“Maraming salamat sa binigay mong suporta at pagmamahal sa akin. Sobra akong natutuwa at humahanga sa naging journey at mga nangyayari pa sa buhay natin ngayon, unti-unti na nating naabot ‘yung mga pangarap natin sa buhay ng sabay,” ani Carlos.


Bago matapos ang kanyang mensahe, ipinahayag din ni Carlos ang kanyang pananabik na maging isang ama at asawa balang araw. Ani pa niya, habang inaabot ni Chloe ang kanyang mga pangarap, nandito lamang siya bilang suporta at magmamahal sa kanya ng buo.


“Syempre excited na ko maging daddy at asawa hehe. Habang inaabot mo naman ang pangarap mo, mahal ko, nandito ako nakasuporta at mamahalin ka ng buo,” pahayag ni Carlos.


Hindi na bago ang pahayag na ito ni Carlos, sapagkat ilang beses na rin niyang ipinahayag ang kanyang kagustuhan na maging isang ama. Sa kabila ng kanyang kabataan at ang pagiging abala sa kanyang sports career, tila malinaw na kay Carlos ang kanyang pangarap na bumuo ng isang masayang pamilya kasama si Chloe.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento