Advertisement

Responsive Advertisement

Carlos Yulo Sarap Na Sarap Sa Pinapahigop Na Sabaw Ni Chloe San Jose Halos Nakalimutan Na Ang Luto Ng Nanay

Sabado, Oktubre 12, 2024

 



Kinumpirma ni Carlos Yulo, ang two-time Olympic gold medalist, na hindi lamang siya isang kampeon sa gymnastics, kundi isang masugid na tagahanga ng mga lutong bahay na gawa ng kanyang kasintahan, si Chloe San Jose. Sa isang panayam, ibinahagi ni Carlos ang kanyang paboritong pagkain mula kay Chloe, ang kanyang bersyon ng sopas na may Spam at manok. Inamin ni Carlos na gustong-gusto niya ito, lalo na kapag umuulan.


“Masarap ang sopas n’ya, especially when it’s raining. Masarap yung sopas na elbow macaroni ang laman,” ani Carlos.


Nakakatuwang isipin na sa gitna ng kanyang mahigpit na training at busy schedule, tila nakahanap si Carlos ng comfort food na nagbibigay sa kanya ng aliw. Bagama’t inamin niya dati na nami-miss niya ang mga luto ng kanyang ina na sinaing tulad ng sinigang at adobo, tila napalitan na ito ng mga bagong paboritong pagkain na handog ng kanyang kasintahan. Ang sopas na ito ni Chloe ay tila isa nang staple food sa kanilang tahanan, lalo na sa mga maulan na araw.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento