Advertisement

Responsive Advertisement

Comedy King’ Dolphy, Inalala ng Netizens sa Matapat na Pahayag Tungkol sa Pagpasok sa Pulitika: ‘Baka mapahiya lang ako’

Miyerkules, Oktubre 2, 2024

 



Sa gitna ng kasalukuyang pagtakbo ng ilang mga artista para sa nalalapit na eleksyon, muling binabalikan ng netizens ang mga pahayag ng yumaong 'Comedy King' na si Dolphy tungkol sa kanyang desisyon na hindi pumasok sa politika.


Ayon kay Dolphy, bagaman maraming beses siyang inudyukan na subukan ang pulitika, may isa siyang pangunahing pangamba—ang manalo. Para sa kanya, hindi niya gustong manalo dahil inamin niyang wala siyang sapat na kaalaman tungkol sa pamamahala at mga ginagawa sa gobyerno.


"Kung ako ay papasok sa pulitika, isa lang ang ikinatatakot ko, dahil kapag nandun na ako, baka mapahiya lang ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko, at sayang lang ang pagboto ng mga tao sa akin," wika ni Dolphy.


Ang pahayag na ito ay nagsilbing paalala para sa mga netizens sa kahalagahan ng kakayahan at kaalaman sa pagpili ng mga susunod na lider ng bayan. Marami ang humanga sa kanyang pagiging totoo at pag-amin ng kanyang mga limitasyon, bagay na madalang makita sa mga personalidad na tinuturing na may malaking impluwensya sa publiko.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento