Ipinahayag ni Cristy Fermin ang kanyang pagkadismaya sa plano ni Willie Revillame na tumakbo bilang senador sa 2025, at sinabing tila wala siyang malinaw na plataporma maliban sa pagpapasaya at pagtulong sa mahihirap.
Sa kanyang online program, direktang sinabi ni Cristy na hindi siya kumbinsido sa mga plano ni Willie sa larangan ng politika. Ayon kay Cristy, tila hindi handa si Willie sa pagpasok sa politika at nagkukulang sa malinaw na direksyon at plataporma maliban sa pagpapasaya at pagtulong sa mga mahihirap.
Saad ni Cristy, "Itong si Willie Revillame, papasok sa mundo ng politika ng walang armas, hindi mo alam kung anomang kanyang plataporma kundi ang magpasaya lamang at magbigay ng tulong sa mahihirap na ating kababayan!"
Bukod kay Cristy, maraming netizens ang nagpahayag din ng kanilang hindi pagsang-ayon sa desisyon ni Willie na tumakbo. Pinunto nila ang naunang pahayag ni Willie na inamin niyang hindi siya karapat-dapat na tumakbo sa politika dahil sa kakulangan ng kaalaman sa paggawa ng batas.
Gayunpaman, iginiit ni Willie na ang sitwasyon noon ay iba na ngayon, at ngayon ay handa na siyang magsilbi sa publiko bilang isang mambabatas. Naniniwala siyang mas may kakayahan na siya ngayon upang maglingkod sa bayan at maisakatuparan ang mga batas na makakatulong sa mga mahihirap na Pilipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento