Advertisement

Responsive Advertisement

Darren Espanto, Binatikos ng Netizens Dahil sa Pagbili ng P13.7-M Cadillac SUV Habang Maraming Pilipino ang Naghihirap!

Sabado, Oktubre 26, 2024

 



Ilang netizens ang hindi ikinatuwa ang naging desisyon ng singer-actor na si Darren Espanto na bumili ng isang mamahaling luxury SUV na gawa ng Cadillac, na may base price na P4.6 milyon kung bibilhin sa Amerika, ngunit umaabot ng hanggang P13.7 milyon sa Pilipinas dahil sa taripa at iba pang buwis. 


Ayon sa kanila, tila hindi tama na gumastos ng ganoon kalaki para sa isang sasakyan lalo na’t marami ang nagdurusa at naghihirap sa bansa, partikular sa gitna ng mga krisis at kalamidad.


Marami ang nagtatanong kung bakit hindi nalang ginamit ni Darren ang kanyang pera sa pagtulong sa mga nangangailangan, imbes na bilhin ang naturang sasakyan. Samantalang may ilan naman na ipinagtanggol si Darren, sinasabing may karapatan naman siyang mag-enjoy ng bunga ng kanyang pinaghirapan at maging responsable sa kanyang sariling pera.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento