Advertisement

Responsive Advertisement

Diwata, Naiyak at Nagpasalamat Sa Kanyang Dambuhalang Billboard Ng Vendors Party-list: "Paglilikuran Ko Kayo Sa Abot Ng Aking Makakaya"

Martes, Oktubre 15, 2024


 

Naging emosyonal at hindi napigilan ng internet sensation na si Diwata ang kanyang luha matapos niyang makita ang kanyang sarili sa isang dambuhalang billboard ng Vendors Party-list. Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Diwata ang kanyang hindi inaasahang reaksyon nang makita ang nasabing billboard, na kumakatawan sa kanyang bagong yugto bilang isang public servant.


"Hindi ko sukat akalain na makikita ko ang aking sarili sa billboard," wika ni Diwata habang punong-puno ng pasasalamat sa suporta ng kanyang mga tagasunod. Binigyang-diin niya na ang pagkakataong ito ay isang malaking karangalan para sa kanya at pangako niyang pagsisilbihan ang publiko sa abot ng kanyang makakaya.


Mula sa pagiging isang simple at kilalang online personality, tila nagbago ang ihip ng hangin para kay Diwata sa kanyang hangaring maglingkod sa mas maraming tao. Lubos niyang ipinahayag ang kanyang layunin na magbigay ng tulong at suporta sa mga vendors, at sa mga maliliit na negosyante na kanyang itinuturing na pangunahing pwersa ng komunidad.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento