Advertisement

Responsive Advertisement

Diwata, Humiling Ng Respeto Sa Kanyang Privacy Sa Paghahanda Sa Eleksyon: "Wag Kayong Magagalit Kapag Hindi Kayo Pinayagan, Karapatan Ko Naman ‘yan"

Miyerkules, Oktubre 16, 2024

 



Kamakailan lamang, naglabas ng pakiusap si ‘Diwata,’ isang social media personality at negosyante, para sa mga customers na bumibisita sa kanyang sikat na 'Paresan.' Hiniling ni Diwata sa mga customers na tigilan na ang pagpunta sa kanyang kusina, lalo na ngayong naghahanda siya para sa darating na halalan sa 2025.


Nagpahayag ng pag-asa si Diwata na ang kanyang hiling na ito ay igagalang ng mga customers niya nang walang negatibong reaksyon mula sa kanila. Ayon pa sa kanya, "Off limits po tayo kailangan na natin ng limitasyon, wag kayong magagalit kapag hindi kayo pinayagan dahil karapatan ko naman ‘yan."


Naging maingat si Diwata sa kanyang pakiusap at binigyang-diin na nais lamang niya ng kaunting pribadong espasyo, lalo na't malaki ang kanyang responsibilidad bilang negosyante at bilang isang naghahanda para sa halalan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento