Isang kamangha-manghang kwento ng himala ang ibinahagi ni Doc Willie Ong tungkol sa kanyang laban sa sarcoma, isang bihirang uri ng cancer. Sa loob lamang ng 6 na linggo, bumaba ng 60% ang laki ng kanyang tumor isang resulta na labis na ikinagulat at ikinatuwa ng kanyang mga doktor.
Ayon kay Dr. Ang Peng Tiam, isang kilalang cancer specialist mula Singapore, hindi pangkaraniwan ang ganitong bilis ng pagresponde ng sarcoma sa paggamot. "I can only say that GOD LOVES YOU. I have not seen a Sarcoma respond as quickly as yours," pahayag ni Dr. Ang.
Noong una, inilarawan ni Doc Willie ang kanyang kondisyon bilang "hopeless and terminal case", dahil sa laki ng kanyang 16 cm na tumor na sumasakop sa mga pangunahing ugat. Itinuturing pa itong inoperable ng ibang mga espesyalista.
Sa tulong ng kanyang kapatid at isang pasyente ni Dr. Ang, dinala si Doc Willie sa Singapore upang magsimula ng agarang paggamot. Sa kabila ng malubhang kondisyon, sumailalim siya sa treatment mula kay Dr. Ang, at ngayon, napakalaking pagbabago ang nangyari.
"Sarcoma is one of the hardest cancers to treat," ayon kay Dr. Ang, kaya’t ang positibong tugon ni Doc Willie sa therapy ay itinuturing na isang himala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento