Advertisement

Responsive Advertisement

Emosyonal na Pagtatagpo! Lola Ligaya Muling Nakayakap ang Mga Nawalang Aso na Sina Brownie at Blackie

Biyernes, Oktubre 4, 2024

 



Muling nayakap ni Lola Ligaya ang kanyang mga alagang aso na sina Brownie at Blackie matapos ang emosyonal na pagkakawalay sa kanila. Si Lola Ligaya ang lola sa viral video na umiyak nang labis matapos mabagansya o mawala ang kanyang mga alaga, na itinuturing niyang pamilya.


Sa programang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS), kinumusta nila si Lola Ligaya na hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin sa pagkawala ng kanyang mga alaga. Si Lola Ligaya, bagaman salat sa buhay, ay nakuha pa ring kupkupin ang kanyang mga alagang aso, na kasama niya sa bawat araw sa kabila ng kanyang kahirapan. Araw-araw niyang ipinagpapalimos ang kanyang pagkain, ngunit kasalo pa rin niya sina Brownie at Blackie sa bawat kainan.


Subalit, dahil sa pangangailangang ilagak ang mga aso sa isang animal shelter, napilitang magpaalam si Lola sa kanyang mga alaga. Sa mga sandaling iyon, hindi napigilan ni Lola Ligaya ang maging emosyonal, dala ng labis na pagmamahal at malasakit sa mga alaga.


Sa tulong ng KMJS at ng mga tauhan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD), muling nakasama ni Lola Ligaya ang kanyang mga aso, kahit sa sandaling pagkakataon. Pumayag na rin si Lola na ibigay sa animal shelter sina Brownie at Blackie, matapos siyang makumbinsi ng mga opisyal na mas mabuti ang kalagayan ng mga aso sa shelter kung saan mas aalagaan ang mga ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento