Advertisement

Responsive Advertisement

Enzo Almario, Binasag ang Katahimikan: Inilahad ang Pag-abuso ng Dating Producer Danny Tan Noong Siya'y 12 Taong Gulang!

Huwebes, Oktubre 3, 2024

 



binunyag ng dating Sugarpop member na si Enzo Almario ang isang masalimuot na bahagi ng kanyang kabataan. Ayon kay Enzo, nagsimula siyang abusuhin ng kanyang dating producer at musical director na si Danny Tan noong siya ay 12 taong gulang pa lamang.


Sa panayam, sinabi ni Enzo na ilang beses nangyari ang mga hindi kanais-nais na insidente sa iba’t ibang lugar. Kabilang na rito ang sinehan at opisina ni Danny, na umano’y naging lugar ng mga mapagsamantalang kilos ni Tan.


"Ang una kasi namin ay sa sinehan. Pagkatapos noon, natuloy sa opisina niya sa pet shop sa SM North," pag-amin ni Enzo. Dagdag pa niya, ang mga sumunod na insidente ay naganap sa iba't ibang lugar.


Hindi napigilan ni Ogie Diaz na tanungin kung bakit pinayagan ni Enzo na magpatuloy ang ganitong mga gawain. Ipinaliwanag ni Enzo na noong mga unang pagkakataon, siya ay labis na nalilito at hindi lubos na naiintindihan ang nangyayari.


"Noong una, sobrang confused ako. Sabi ko, 'Ano 'to? Bakit niya tinatanong?' Kasi ang unang sinabi niya sa akin ay, 'Hindi pa ako nakakakita ng bird ng 12 taong gulang.' Nasa kalagitnaan kami ng sine at nasa likod na bahagi kami," paglalahad ni Enzo.


Dagdag pa ni Enzo, inamin niya na may bahagi sa kanya na naging curious din sa mga nangyayari noong mga panahon iyon.


"Siguro, I was very, very curious din. Kasi may sudden feeling na parang bago ito sa katawan ko, at first time na nangyayari sa akin. Sabi ko sa sarili ko, 'Ano ba 'to? Anong sensation 'to?'" dagdag pa niya.


Sa kasalukuyan, si Enzo ay tumutulong kay Gerald Santos, isa pang artistang nagsampa ng kaso laban kay Danny Tan dahil sa mga kahalintulad na alegasyon. Parehong humarap ang dalawang biktima upang manindigan at labanan ang anumang uri ng pang-aabuso sa industriya ng musika.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento