Isang napakainspirasyong kwento ang kumakalat ngayon sa social media tungkol sa isang lalaking estudyante na ipinanganak na walang mga braso ngunit patuloy pa rin sa kanyang pagsusumikap na makatapos ng pag-aaral. Hinangaan si Dabbay, isang estudyante mula sa Ballesteros Central School (BCS), dahil sa kanyang hindi matitinag na determinasyon sa kabila ng malaking hamon sa kanyang kalagayan.
Sa mga larawang ibinahagi sa social media, makikita si Dabbay na gumagamit ng kanyang mga paa upang magsulat sa pisara at sa kanyang mga notebook. Talaga namang hinangaan ng marami ang kanyang dedikasyon sa pag-aaral at pagsusumikap na maabot ang kanyang mga pangarap. Ayon sa kanyang kamag-aral na si Avilo, si Dabbay ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa kanyang mga kaklase kundi sa buong paaralan.
"Siya ang aming inspirasyon dito sa BCS. Kahit gaano kahirap ang kanyang kalagayan, hindi niya hinahayaan na maging hadlang ang kapansanan upang hindi siya magpatuloy sa pag-aaral," ani Avilo sa kanyang post. Dagdag pa ni Avilo, sabay-sabay silang umaasa na magtatapos at maaabot ang kanilang mga pangarap. "Kapatid, alam naming kaya mo 'yan. Konting tiis na lang, makakamit din natin ang tagumpay," pahayag niya na nagpapatibay sa mga pangarap nila bilang magkakaklase.
Maraming netizens ang humanga at nagbigay ng kanilang mga pagbati sa di-matitinag na tapang ni Dabbay. Ang kanyang kwento ay naging simbolo ng lakas, determinasyon, at pag-asa para sa marami, lalo na sa mga kabataang nahaharap din sa iba't ibang pagsubok sa kanilang buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento