Naglabas ng panawagan ang Gabriela Women’s Party sa Sparkle GMA Artist Center, hiniling na agad na suspendehin ang aktor na si Archie Alemania matapos siyang ireklamo ng acts of lasciviousness ng kapwa artista na si Rita Daniela sa City Prosecutor’s Office sa Bacoor, Cavite.
Ayon sa Gabriela Women’s Party, mahalaga ang pagkakaroon ng agarang preventive suspension upang maiwasan ang anumang posibleng pagkakataong magkasalamuha muli ang nasasangkot na aktor at ang biktima sa loob ng kanilang pinagtatrabahuhang network. Naniniwala ang grupo na ang hakbang na ito ay magiging simbolo ng pagiging patas at pagpapakita ng GMA ng malasakit sa kanilang mga empleyado, partikular na sa mga biktima ng pang-aabuso.
Dagdag pa ng Gabriela Women’s Party, ang preventive suspension ay mahalaga upang masiguro ang kaligtasan at proteksyon ng biktima, lalo na sa isang sitwasyon kung saan parehong nagtatrabaho sa parehong kumpanya ang mga sangkot sa kaso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento