Advertisement

Responsive Advertisement

Galit na Galit! LRay Villafuerte, Namudmod ng Pera sa mga Biktima ng Bagyo—'Relief Goods at Tirahan, Hindi Pera ang Kailangan!

Biyernes, Oktubre 25, 2024

 



Isang video ang kumakalat ngayon sa social media kung saan makikita si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na namimigay ng pera sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine. Bagama’t mukhang mabuting intensyon ang nais iparating ni Villafuerte, hindi ito pinalagpas ng mga netizens. Ayon sa ilan, hindi pera ang kailangan ng mga biktima kundi relief goods tulad ng pagkain, tubig, at pansamantalang matutuluyan.


Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang galit at dismaya sa social media. “Bakit pera ang pinamimigay? Relief goods at matitirhan ang kailangan ng mga tao!” galit na tanong ng isa sa mga netizens. Isa pang komento ang nagsabi, “Literal na kupal. Kupal kaba boss? Tagal ng karma mo.”


Marami sa mga netizens ang nagtatanong kung bakit tila hindi handa si Villafuerte sa pagbibigay ng tamang tulong sa mga nasalanta at mas pinili na lang umano ang pinakamadaling solusyon—pagbibigay ng pera, imbes na magplano ng mas maayos na tulong para sa pangangailangan ng mga biktima.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento