Advertisement

Responsive Advertisement

Gerald Anderson, Personal na Nanguna sa Pag-repack ng Relief Goods para sa mga Nasalanta ng Bagyo sa Bicol!

Sabado, Oktubre 26, 2024

 




Muling ipinamalas ng aktor na si Gerald Anderson ang kanyang malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng kanyang mga relief operations na naglalayong magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol. Sa kamakailang panayam sa kanya iginiit ni Gerald na wala siyang planong pasikin ang politika.


Kasama ang isang commercial company, sinimulan ni Gerald at ng kanyang mga kaibigan sa industriya ng showbiz ang pag-repack ng mga relief goods na ipinadala sa mga apektadong pamilya. Makikita sa mga larawan at video ang pagsama ni Gerald sa iba pang mga volunteers habang masigasig na nag-aayos ng mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan para sa mga biktima.


Ang mga relief goods na kanilang naipon ay ipinagkatiwala sa Philippine Coast Guard upang tiyaking makarating ang mga ito sa mga komunidad na higit na nangangailangan. Patuloy na pinupuri ng mga netizens ang aktor dahil sa kanyang pagtulong at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga kababayang nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa bagyo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento