Naglabas ng opisyal na pahayag ang Goto Tendon kaugnay ng isyu ng pagkakatanggal sa trabaho ng kanilang food server na si Vhal Sardia, na nag-viral matapos niyang ipakita sa isang TikTok video ang kanyang pagpapakain sa mga galang hayop. Sa nasabing video, inilahad ni Sardia na tinanggal siya sa kanyang trabaho matapos itong isumbong ng kanyang supervisor sa pamunuan ng Goto Tendon dahil sa pagpapakain sa mga Aspin na madalas mag-abang sa labas ng kanilang restaurant.
GOTO TENDON
OFFICIAL STATEMENT
We are deeply saddened by the recent incident involving one of the staff at our Scout Borromeo branch, whose kindness towards stray animals has touched many hearts. We want to assure everyone that we are taking this matter seriously and have been looking into what happened, including reviewing the actions taken by our manpower provider and his employer, Bestoptions Assistance, Inc.
Our commitment is to ensure that our practices reflect our values of empathy, kindness and responsibility. While we support our staff's personal causes, we also continuously strive to enforce policies and processes that ensure a positive experience at our branches. We believe it is possible to strike a careful balance between humaneness and our professional obligation to our customers.
Ayon sa pahayag ng Goto Tendon, ikinalulungkot nila ang nangyari at tiniyak nila na iniimbestigahan nila ang buong insidente. Binibigyang-pansin din nila ang mga hakbang na isinagawa ng manpower provider ng kanilang kumpanya, ang Bestoptions Assistance, Inc., na siyang namamahala sa pag-empleyo kay Sardia.
Binigyang-diin ng Goto Tendon ang kanilang pangako na mapanatili ang mga pamantayan ng kabaitan, malasakit, at responsibilidad sa lahat ng kanilang mga sangay. Habang sinusuportahan nila ang mga personal na adbokasiya at layunin ng kanilang mga empleyado, patuloy din silang nagsusumikap na ipatupad ang mga polisiya at prosesong nagtataguyod ng magandang karanasan para sa kanilang mga customer.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento