Advertisement

Responsive Advertisement

Governor Luigi Villafuerte Naglabas Ng Boarding Pass Sa Isyung Nag Bakasyon Sa Siargao Habang Nanalasa Ang Bagyong Kristine

Sabado, Oktubre 26, 2024

 



Mariing pinabulaanan ni Governor Luigi Villafuerte ng Camarines Sur ang mga ulat na nagsasabing na-stranded umano siya at ang kanyang pamilya sa Siargao kasabay ng pananalasa ng bagyong Kristine. Ayon sa kanya, ang kanilang pagbisita sa Siargao noong Oktubre 19 ay hindi isang personal na bakasyon, kundi bahagi ng kanilang tourism benchmarking kasama ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) ng kanilang probinsya.


Dagdag pa ni Villafuerte, wala umanong katotohanan ang mga kumakalat na balita na sila ay naiipit sa Siargao habang kasalukuyang nakararanas ng kalamidad ang kanilang probinsya. Aniya, natapos na ang kanilang official travel bago pa man lumala ang sitwasyon ng bagyo, at nakauwi na sila sa Camarines Sur bago ito pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).


Samantala, patuloy namang umaani ng reaksyon mula sa mga netizens ang isyung ito, partikular na sa social media, kung saan maraming tao ang nagpapahayag ng pagkadismaya at nagtataka sa timing ng pagbisita ng pamilya Villafuerte sa isang kilalang tourist destination habang may bagyong parating.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento