Advertisement

Responsive Advertisement

Heart Evangelista, Emosyonal Na Bumuhos Ng Luha Sa Paris Fashion Week: "Sana Napasaya Ko Kayo, Kung May Pagkukulang Man Ako"

Biyernes, Oktubre 4, 2024

 



Hindi napigilang maging emosyonal ni Heart Evangelista habang inaalala ang kanyang dating glam team sa gitna ng suporta na natanggap mula sa kanyang kasalukuyang team sa Paris Fashion Week.


Sa kanyang vlog, makikita si Heart na kasalukuyang may pictorial kasama ang kanyang bagong glam team, at isa sa kanyang mga kasama, si Kristine Ira Lesaca mula sa Sparkle GMA Artist Center, ay nagbigay ng mensahe para kay Heart. Sinabi ni Kristine, “Thank you also for fighting for us and we’ll always fight for you no matter what. Maniwala ka sa’min.”


Matapos marinig ito, naging emosyonal si Heart habang naalala ang kanyang dating glam team na sinamahan siya noong nakaraang taon sa Paris Fashion Week. Pahayag niya, “Kaya ako umiiyak kasi kanina nagdasal ako na sana okay lahat kasi nagpictorial ako dati dito, iba ‘yung mga kasama ko.”


Dagdag pa niya, “Parang sabi ko, ‘yung chismis na ‘yun sana—kung mayroon akong pagkukulang, sa nakaraan ko, sana talagang mabigay ko sa inyo because I really want you guys to be happy.”


Matatandaang ang dating glam team ni Heart, na binubuo nina Justin Soriano at Jeck Aguilar, ay kinuha ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Ang desisyon na ito ni Pia ay nagdulot ng mga spekulasyon mula sa mga tagahanga ni Heart at Pia. May mga nagsabi na ginagamit umano ni Pia ang glam team ni Heart para magkaroon ng koneksyon sa mga luxury brands sa ibang bansa, dahilan ng pag-imbita sa kanya sa iba’t ibang fashion weeks.


Sa kabila ng mga isyung ito, nananatiling positibo si Heart at ipinapahayag ang kanyang hangarin na maging masaya ang kanyang kasalukuyang glam team.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento