Mariing iginiit ni Sandro Muhlachna hindi siya papayag sa anumang settlement sa kasalukuyang legal na labanan kaugnay sa mga umano'y nanakit sa kanya. Sa kanyang pahayag, klaro ang kanyang posisyon na hindi siya tatanggap ng bayad kapalit ng pananahimik.
"Hindi po ako binayaran and never po ako magpapabayad for settlement... I will not be silenced. Just wait. We have more yet to reveal," saad ni Sandro, na nagpapahiwatig na marami pang mga detalye ang ilalabas kaugnay sa kasong kanyang isinampa.
Ang paninindigan ni Sandro ay nagpapakita ng kanyang determinasyon na ipaglaban ang hustisya, hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para rin sa mga taong nakakaranas ng kahalintulad na pang-aabuso. Malinaw niyang sinabi na hindi pera o kasunduan ang solusyon sa sitwasyon, bagkus ay ang pagpapanagot sa mga may sala.
Sa mga susunod na araw, inaasahan ng publiko ang paglabas ng karagdagang impormasyon tungkol sa kaso, na ayon kay Sandro, ay magbibigay-linaw sa mga naganap. Nanatili siyang determinado at matapang sa harap ng mga pagsubok, patuloy na ipinapahayag ang kanyang paglaban sa mga nagnanais na patahimikin siya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento