Hindi mapigilang maging emosyonal ng beteranang aktres na si Gina Pareño sa kanyang panayam kamakailan dahil sa nararamdaman niyang tila nakakalimutan na siya ng publiko at ng industriya. Sa edad na 77-anyos, aminado si Gina na miss na miss niya ang pag-arte at ang mundo ng showbiz, na matagal nang naging bahagi ng kanyang buhay.
Sa kanyang pahayag, sinabi ng aktres na sanay na sanay na siyang umarte at napakahalaga nito sa kanya. Ayon kay Gina, ang pag-arte ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang sigla at init ng damdamin. Dahil dito, kapag walang proyekto o hindi siya nakikita sa kamera, nararamdaman niyang parang nawawala ang pagmamahal ng mga tao.
"Unti unti na nila akong nalilimutan, ayoko ng ganyan gusto ko pang umaarte gusto may camera, gusto ko may ilaw. Ayaw ko sa kwarto mag isa lang ako dun" emosyonal na saad ni Gina. Dagdag pa niya, ang mga crew, kamera, at script na kanyang mine-memorize ay malaking bahagi ng kanyang buhay, kaya’t labis siyang nalulungkot kapag hindi niya nagagawa ang kanyang minamahal na propesyon.
Sa kabila ng kanyang kalungkutan, nananatili pa rin si Gina Pareño na umaasa na mabibigyan muli siya ng pagkakataong umarte at makapagbahagi ng kanyang husay sa larangan ng pag-arte.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento