Advertisement

Responsive Advertisement

Hindi Na Nag-uusap! Angelica Yulo, Inamin Na Wala Nang Komunikasyon Kay Carlos Yulo Mula Nang Manalo Ito Sa Olympics

Huwebes, Oktubre 17, 2024

 



Sa isang kamakailang live selling session na magkasamang pinangunahan nina Ai-Ai delas Alas at Angelica Yulo, hindi naiwasan ng komedyante na tanungin ang ina ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Sa gitna ng kanilang kasiyahan, tinanong ni Ai-Ai si Angelica kung mayroon pa bang komunikasyon sa pagitan nila ng kanyang anak.


Matapang na inamin ni Angelica na wala na silang komunikasyon ni Carlos mula noong manalo ito sa Olympics. Sinabi niya, “Hindi na po, wala na po kaming communication pagkatapos niyang manalo sa Olympics.” Matagal nang usap-usapan ang isyu sa pagitan ni Carlos Yulo at ng kanyang mga magulang, lalo na nang akusahan ng atleta ang kanyang mga magulang ng pagkuha ng pera na kanyang kinita mula sa mga international competitions.


Sa naturang pagkakataon, ipinahayag ni Ai-Ai ang kanyang suporta kay Angelica at idineklara ang kanyang sarili bilang bahagi ng ‘Team Nanay,’ isang grupo na nagbibigay simpatiya kay Angelica at pumupuna sa naging desisyon ni Carlos na iwan ang kanyang pamilya. Paulit-ulit na ipinakita ni Ai-Ai ang kanyang pagkiling kay Angelica, na tila nagpapakita ng kanyang pang-unawa sa pinagdadaanan ng ina ni Carlos Yulo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento