Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa mga larawan ng relief goods na ipinamigay ng ilang mga opisyal sa Bicol Region, partikular sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine. Ang dahilan ng kanilang pagkadismaya ay ang pagkakaroon ng mukha ni AKO BICOL party-list Representative Zaldy Co sa mga sako ng bigas na ipinamimigay bilang tulong.
Makikita sa mga larawan na kasama rin si Albay Governor Joey Salceda habang namimigay ng mga relief goods. Ngunit ayon sa ilang netizens, tila ginawa umanong oportunidad ng mga nasabing opisyal ang sitwasyon upang makapagsulong ng kanilang political agenda sa halip na unahin ang agarang tulong para sa mga biktima ng bagyo.
Maraming netizens ang nagbigay ng kanilang opinyon tungkol dito. Sabi ng isang netizen, “Cringe ng may mukha yung mga sako ng bigas. Jusko. Sana yung funds for campaign, ipondo na lang nila sa pump boats.” Samantala, ang iba naman ay nagsabi na mas mabuting ginamit na lang ang ginastos sa pag-imprenta ng mukha ng mga opisyal para madagdagan ang relief goods.
Bilang tugon sa mga batikos, hinihiling ng mga netizens na sana ay mas maging sensitibo ang mga opisyal sa ganitong mga sitwasyon at unahin ang tunay na pangangailangan ng mga biktima kaysa ang pagpapakilala ng kanilang mga pangalan at mukha sa relief operations.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento