Advertisement

Responsive Advertisement

Ipinagtanggol Ni Julius Manalo Si Toni Gonzaga: 'Dapat Nga Ako Pa Ang Magpasalamat, Binigyan Ako Ng Pagkakataong Maibahagi Ang Aking Kwento Sa Toni Talks!"

Lunes, Oktubre 28, 2024

 



Ipinagtanggol ni Julius Manalo si Toni Gonzaga matapos niyang aminin na hindi siya binayaran para lumabas sa talkshow ng aktres na Toni Talks. Sa kabila ng mga tanong ng netizens kung bakit walang bayad ang kanyang guesting, nanindigan si Julius na hindi isyu para sa kanya ang hindi makatanggap ng bayad. Sa halip, naniniwala pa siya na siya ang dapat magpasalamat at magbayad kay Toni dahil binigyan siya ng plataporma upang maibahagi ang kanyang kwento sa publiko.


Sa kanyang Facebook post, binigyang-diin ni Julius ang kanyang pasasalamat sa Toni Talks at sa buong team nito. Aniya, "I am always grateful sa Toni Talks na na-invite ako dun. Isang batang Tondo na gusgusin nakausap si madam Toni G." Para sa kanya, mas mainam na ang kikitain ng kanyang episode ay mapunta sa mga staff na nagtrabaho nang husto upang maisakatuparan ang panayam.


Dagdag pa niya, mas mahalaga para sa kanya na maibahagi ang kanyang kwento sa isang malawak na audience upang maging inspirasyon para sa iba, lalo na sa mga nagdaan din sa parehong karanasan ng pangungulila at paghahanap sa kanyang pamilya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento