Viral ngayon sa social media ang post ng isang content creator na si Carl Quion matapos siyang bumili ng 100 pirasong burger mula sa isang kilalang burger store. Ayon kay Carl, ginawa niya ito bilang reaksyon sa tila hindi magandang pagtrato sa kanya ng tindera sa nasabing tindahan.
Sa kanyang kwento, bumibili umano si Carl ng burger nang biglang sabihan siya ng tindera na nag-i-inventory ito. Nagtanong si Carl kung gaano katagal matatapos ang inventory, subalit sa halip na maayos na sagot, sinagot siya ng tindera nang may irap at pabalang na tono, "Mga 30 minutes!" Agad na naramdaman ni Carl ang pagiging hindi magalang ng tindera, ngunit nagpasya pa rin siyang maghintay.
Matapos ang nasabing 30 minutong paghihintay, nag-order si Carl ng sampung pirasong burger. Subalit, sinagot ulit siya ng tindera nang tila may pangungutya, "Sampu lang?" Dahil dito, lalong nainis si Carl at nagpasyang gawin na 100 ang kanyang order. Sa video na ibinahagi niya online, makikita ang reaksyon ng tindera matapos niyang baguhin ang kanyang order.
Agad namang kumalat sa social media ang video ni Carl, at maraming netizens ang nagbigay ng kanilang opinyon ukol sa pangyayari. Ang ilan ay natuwa at sinabing tama lang ang ginawa ni Carl, habang ang iba naman ay nagsabing dapat sana'y naging mas maunawain na lang siya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento