Advertisement

Responsive Advertisement

Ivana Alawi, Tumangging Pumasok Sa Pulitika: "Ang Mga Kakandidato Dapat May Laman Ang Utak, Hindi Lang Puro Awa Sa Mahihirap"

Biyernes, Oktubre 11, 2024

 



Sa kabila ng kanyang kasikatan bilang aktres at social media influencer, mariing iginiit ni Ivana Alawi na hindi siya papasok sa mundo ng pulitika. Sa isang panayam, inamin ni Ivana na wala pa siyang sapat na kaalaman tungkol sa pulitika at paggawa ng mga batas, kaya hindi pa siya handa para sa ganitong hakbang.


Ayon sa aktres, hindi niya nais na malagay sa alanganin ang kapakanan ng bansa dahil lamang sa pagpasok ng mga taong walang sapat na kaalaman o karanasan sa larangan ng pulitika. "Bakit naman ako tatakbo sa ngayon? Wala ako alam sa politics, wala akong alam sa paggawa ng batas at dapat hindi lang puro awa sa mahihirap" wika ni Ivana.


Para kay Ivana, bago pumasok sa pulitika, kinakailangan munang maglaan ng sapat na oras para pag-aralan ang mga kinakailangang kasanayan at kaalaman. "Siguro kung papasok ako sa ganyan, dapat mag-aral ako ng three to four years because I don’t want to put the country at risk," dagdag pa niya.


Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Ivana na ang mga kakandidatong pulitiko ay dapat may malalim na kaalaman at may laman ang utak pagdating sa mga isyung pambansa. Para sa kanya, hindi sapat na sumabak lamang sa pulitika dahil sa kasikatan o impluwensya. Kinakailangan na may sapat na kaalaman at kasanayan upang maipatupad nang tama ang mga batas at masiguro ang kapakanan ng mga mamamayan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento