Inulan ng batikos si Jinkee Pacquiao matapos niyang ipost ang kanyang koleksyon ng Labubu dolls na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso, kasama ang iba pang luxury items mula sa kanyang mamahaling lifestyle. Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at pagkasuklam, lalo na't kasabay ng mga balitang maraming nasalanta ng bagyo sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa mga netizens, imbes na maglabas ng ganoong mga luho, sana'y mas ginamit na lamang ni Jinkee ang kanyang yaman upang makatulong sa mga biktima ng kalamidad. Tinawag ng ilan ang kanyang mga post na "insensitive" at "walang pakialam" sa mga nagdurusa. Ang opinyon ng mga tao ay mas mabuti sana kung ang halaga ng kanyang mga koleksyon ay idinonate na lamang sa mga nangangailangan, lalo na sa panahon ng mga kalamidad.
Sa kabila ng mga batikos, hindi pa nagbibigay ng pahayag si Jinkee Pacquiao tungkol sa isyu. Kilala naman ang pamilyang Pacquiao sa kanilang mga charitable works, ngunit sa pagkakataong ito, tila mas naka-focus ang mga tao sa kanyang mga personal na gamit at kayamanan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento