Advertisement

Responsive Advertisement

John Cabahug, Gustong Ipalitan ang Apelyido ng mga Anak ni Lian Paz, Pirma ni Paolo Contis, Kailangan!

Sabado, Oktubre 5, 2024

 



Ibinahagi ni John Cabahug, ang kasalukuyang partner ni Lian Paz, na madalas niyang naiisip ang posibilidad ng legal na pagdala ng mga anak ni Lian na sina Xonia at Xalene Contis ng kanyang apelido, "Cabahug." Sa isang panayam, ipinahayag ni John na ginagamit na ng mga bata ang apelyido niyang "Cabahug" sa ilang aktibidad sa eskwelahan, bagaman legal na apelyido pa rin ng mga ito ang "Contis," na hindi maaaring palitan nang basta-basta sa labas ng mga ganitong sitwasyon.


Dahil dito, naisip ni John ang posibilidad ng legal na pag-aampon upang maging opisyal na "Cabahug" ang apelyido nina Xonia at Xalene. Gayunpaman, batid ni John na hindi magiging madali ang proseso ng legal adoption, lalo na't kinakailangan pa ang pirma ni Paolo Contis, ang biological na ama ng mga bata.


Ayon kay John, nakipag-ugnayan na siya sa isang abogado tungkol dito at ipinaliwanag sa kanya na isa sa mga pangunahing rekisito ang pirma ni Paolo. “Sabi ni Attorney, kailangan kasi ng signature ni Paolo. Sabi ko, baka hindi papayag ’yon. Pero ako, sobrang gusto ko," pagbabahagi ni John.


Bagama’t nais ni John na magamit ng mga bata ang apelyido niyang "Cabahug," iginagalang niya ang proseso at desisyon ni Paolo. “Kung p’wede lang, kung halimbawa si Paolo, hindi na siya ’yong magpa-pride. Pero siyempre, nirerespeto ko rin ’yong proseso at saka siya, kung ano ang mga diskarte niya sa buhay. Kaya sabi ko, in the right time siguro," dagdag pa niya.


Sa kabila ng usaping legal, tiniyak ni John na hindi magbabago ang kanyang pagmamahal kina Xonia at Xalene, anuman ang maging apelyido ng mga bata. "Ang gusto ko lang naman sa mga bata, ’yong welfare nila kasi, napamahal na rin sila sa akin ng sobra,” pahayag ni John.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento