Si Julie Anne San Jose, kilala bilang Asia's Limitless Star, ay nakatanggap ng matinding batikos mula sa mga netizens matapos siyang mag-perform sa isang benefit concert na ginanap sa loob ng Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro noong October 6, 2024.
Sa isang Facebook post mula sa isang netizen na nagngangalang "Matabang Tindero," ibinahagi ang isang video clip ni Julie Anne na suot ang isang makintab na sleeveless at backless na gown habang kumakanta at sumasayaw ng sikat na kanta ng ABBA na "Dancing Queen." Napansin ng mga netizens na si Julie Anne ay nagpe-perform sa harap ng altar, na itinuturing na isa sa mga pinakabanal na lugar sa simbahan.
Maraming netizens ang nagtanong kung bakit pinahintulutan ng parokya ang artistang magsuot ng mapang-akit na kasuotan at mag-perform ng isang kanta na hindi naman itinuturing na solemne. Ayon sa Code of Canon Law, dapat ginagamit lamang ang simbahan para sa mga banal na okasyon tulad ng kasal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento