Advertisement

Responsive Advertisement

Julius Manalo Ibinahagi Ang Kuwento Ng Emosyonal Na Muling Pagsasama Matapos Ang 31 Taon – Inspirasyon Para Sa Family Healing at Reconciliation!

Lunes, Oktubre 21, 2024

 



Nag-viral kamakailan si Julius Manalo matapos ang emosyonal na reunion nila ng kanyang inang Koreana, na matagal na niyang hindi nakikita matapos silang magkahiwalay ng 31 taon. Ayon kay Julius, hindi niya balak na magpaunlak ng sunud-sunod na panayam tungkol sa kanilang kwento, ngunit naisip niyang mas mahalaga na ibahagi ito upang makapagbigay inspirasyon sa iba.


Sa kanyang mga pahayag, sinabi ni Julius na nais niyang ipahayag ang pagpapasalamat niya sa mga biyayang ipinagkaloob ng Panginoon, lalo na sa pagkakataong muling makapiling ang kanyang ina. "Ang kahalagahan po siguro ng sunud-sunod na interviews ko is to reach more people po doon sa nangyari po sa akin. Kasi hindi ko po dapat sarilinin yung blessings sa akin ng Panginoong Diyos para makapag-inspire ng iba pang tao para sa family healing, family values, and reconciliation," wika niya.


Ayon kay Julius, nais niyang gamitin ang kanyang kwento upang itaguyod ang pagpapahalaga sa pamilya at hikayatin ang mga tao na pagyamanin ang mga ugnayan sa kanilang pamilya. Matatandaang maraming taon ding nagtampo si Julius sa kanyang ina matapos itong magpakasal sa iba, ngunit kalaunan ay napagtanto niyang nais niyang muling makita ang kanyang ina upang maramdaman ang pagiging buo ng kanyang pamilya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento