Advertisement

Responsive Advertisement

"Kapal ng Mukha!" Noli de Castro, Nagbitaw ng Matapang na Pahayag Laban sa Suspindidong Alkalde ng Bamban, Tarlac!

Huwebes, Oktubre 3, 2024

 



Veteranong mamamahayag at dating Bise Presidente Noli de Castro, nagbigay ng matapang na opinyon laban sa suspindidong Alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, habang nagbibigay ng ulat on-air.


Sa isang episode ng TV Patrol, si De Castro ay naispatan habang binabalita ang tungkol kay Guo, na diumano’y nagpaplanong tumakbo muli sa reelection sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan nito. Pagkatapos ng kanyang ulat, maririnig si De Castro na nagsabi ng “kapal ng mukha” bago pinalabas ang balita mula sa ABS-CBN journalist na si Zyann Ambrosio.


Ang pahayag na ito ay agad na umani ng reaksyon mula sa mga netizens. Ayon sa ilang netizens, sumasang-ayon sila sa naging opinyon ng batikang mamamahayag.


Isa sa mga netizens ang nagsabi, “I may not always agree with Kabayan, but I agree with him on this,” habang ang iba naman ay nagkomento, “Hinde na kinaya ni Kabayan ang kapal ng mukha mo, Alice! Kapal kasi sobra.”


Si Alice Guo ay kasalukuyang suspendido dahil sa mga katanungan patungkol sa kanyang background at posibleng pekeng citizenship. Gayunpaman, siya ay teknikal na kwalipikado pa rin upang tumakbo muli sa eleksyon dahil hindi pa siya nahahatulan sa anumang kaso.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento