Sa gitna ng pagtakbo ng kanyang dating partner na si Aljur Abrenica bilang konsehal sa Angeles City, nagbahagi ang aktres na si Kylie Padilla ng isang makahulugang paalala tungkol sa mga katangian ng isang mabuting lider. Sa kanyang social media post, sinabi ni Kylie na ang isang mahusay na lider ay dapat magsimula sa pagiging isang mahusay na pinuno sa kanyang sariling pamilya.
Ayon sa kanya, "A great indicator of a good leader is a man who can lead his family. That is his first unit, his first community. A man who raises his kids with good values, integrity, and humility. A man loyal to his wife and remains true despite obstacles."
Ilan sa mga mahalagang katangian na binanggit ni Kylie ay ang pagiging isang responsableng lider ng pamilya, maayos na pagpapalaki ng mga anak na may mabuting asal, integridad, at kababaang-loob. Dagdag pa niya, ang pagiging tapat sa asawa, at pagiging matatag sa kabila ng mga pagsubok, ay mga mahahalagang aspeto ng pagiging isang mabuting lider.
Ang pahayag ni Kylie ay naganap sa panahon ng kampanya ni Aljur para sa posisyon bilang konsehal. Bagama’t hindi direktang tinukoy ni Kylie si Aljur, maraming netizens ang nag-ugnay ng kanyang mensahe sa kanyang dating partner, lalo na’t kilala ang publiko sa kanilang kontrobersyal na paghihiwalay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento