Advertisement

Responsive Advertisement

LGBT Writer Gitri San Diego, Binanatan Ang Mga Kritiko Ni Jude Bacalso! 'Ang Ganda-ganda Ng Bihis, Tapos Tatawagin Lang Sir? Nasaan Ang Respeto?"

Linggo, Oktubre 6, 2024

 



Hindi naitago ng kilalang LGBT writer, host, at mamamahayag na si Gitri San Diego ang kanyang pagkadismaya sa mga netizens at sa ilang miyembro ng LGBTQIA+ community na binabatikos ang kapwa mamamahayag na si Jude Bacalso. Ang isyu ay nagsimula matapos ang isang insidente kung saan isang waiter ang tumayo ng dalawang oras matapos nitong matawag si Jude ng "sir," na nagdulot ng pagkadismaya kay Bacalso.


Matatandaan na nag-viral ang insidente kung saan si Jude Bacalso, isang kilalang LGBTQIA+ advocate, ay natawag na "sir" ng isang waiter sa isang restaurant. Ayon sa mga ulat, piniling manindigan ni Bacalso at iparating ang kanyang pagkadismaya sa maling pag-address sa kanya gamit ang male pronoun. Tumayo ang waiter ng dalawang oras bilang parusa matapos mangyari ang insidente. Dahil dito, nagkaroon ng mainit na talakayan online tungkol sa tamang paggamit ng pronouns at ang pagiging sensitibo ng mga nasa hospitality industry sa mga pangangailangan ng LGBTQIA+ community.


“I once ate at a 24-hour restaurant with a friend and another friend who’s a rather tall transwoman. The server took one look at her and called her ‘Sir,’” pagbabalik-tanaw ni Gitri. Dahil dito, labis na nadismaya ang kanyang kaibigan at nahirapang umorder dahil sa insidenteng iyon. Bilang suporta sa kanyang kaibigan, kinompronta ni Gitri ang server at pinanindigan ang kanyang kaibigan. “Ang ganda-ganda ng bihis niya tapos tatawagin mo lang Sir?” ani ni Gitri. Agad namang humingi ng paumanhin ang server, at masayang tinanggap ng kaibigan ni Gitri ang paghingi ng paumanhin.


Naniniwala si Gitri San Diego na mahalagang maging sensitibo sa tamang paggamit ng pronoun, lalo na sa mga nagtatrabaho sa hospitality industry. Aniya, may mga pagkakataong hindi lahat ng tao ay may sapat na kaalaman tungkol sa tamang paggamit ng pronouns, ngunit mahalaga itong matutunan ng mga taong may direktang pakikitungo sa iba't ibang uri ng kliyente.


"Not everyone is informed about proper pronoun usage. But if you work in the service industry, this is something you must learn. You are there to cater to all kinds of customers," saad ni Gitri.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento