Advertisement

Responsive Advertisement

Lolo Binuwis Ang Kanyang Buhay Para Mailigtas Ang Pamilya at Mga Apo Mula Sa Baha

Biyernes, Oktubre 25, 2024

 



Isang malungkot na insidente ang naganap nang magbuwis ng buhay ang isang lolo habang inililigtas ang kanyang pamilya mula sa matinding pagbaha. Sa kabila ng panganib, nagsumikap si lolo na gumawa ng balsa upang mailigtas ang kanyang pamilya sa kanilang bahay na halos lunurin na ng tubig. Bago nito, gumawa pa siya ng upuan sa bubong para sa kanyang pamilya upang matiyak ang kanilang kaligtasan habang patuloy na tumataas ang tubig.


Ayon sa isang post mula sa kanyang kaanak, "Tay, salamat sa pagiging hero namin. Hanggang sa huling sandali, kami pa rin ang iniisip mo." Habang tinatapos ni lolo ang balsa, nilamig siya at napulikat, dahilan upang hindi na siya makalangoy pabalik. Sa kabila ng kanyang pagsusumikap, nasawi siya habang tinutupad ang tungkuling protektahan ang kanyang pamilya.


Nagpapaabot ng pasasalamat at pagkilala ang kanyang pamilya para sa kanyang kabayanihan at sakripisyo. Higit pa sa anumang bagay, ipinaalala ng insidenteng ito ang pagmamahal at dedikasyon ng isang ama at lolo sa kanyang pamilya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento